Hindi naiwasang malungkot ng ilang mga fans matapos i-anunsyo ni Andy Murray ang kaniyang pagre-retiro.

Inihayag kasi ng tennis star na ang Paris Olympics na ang magiging huli niyang torneyo.

“Arrived in Paris for my last ever tennis tournament,’ saad sa social media post ni Murray.

Sa comment section ng post ni Murray ay nagbalik tanaw naman ang maraming mga fans sa umanoy ilang kamangha-manghang mga performance ng atleta sa malalaking tennis tournament na nilahukan nito.

Matatandaan na noong 2012 London Olympics unang nasungkit ng 37-anyos na si Murray ang kaniyang gold medal matapos talunin si Roger Federer, at napanatili pa ang gold medal noong 2016 Rio de Janeiro ng talunin nito si Juan Martin del Potro.