LEGAZPI CITY – Naghahanda na ang lokal na gobyerno ng Camalig para sa nakatakdang pagbisita ng Ambassador ng Poland na si Jarosław Szczepankiewicz.
Bibisita ang opisyal bilang pag-alala sa pagkakadiskubre ni Polish priest-historian Fr. Cantius Kobak sa artifact na “Amang Dayaday” sa Hoyop-Hoyopan Cave ng Camalig.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Tim Florece ang tagapagsalita ng lokal na gobyerno ng Camalig, kahit na taong 1970s pa ng nadiskubre an artifact, hindi pa rin nakakalimutan ng gobyerno ng Poland ang malaking naiambag nito kasaysayan.
Ito kasi ang nagpatotoo na mayroon ng sinasamba at magaling na sa sining ang mga sinaunang Pilipino bago pa man dumating sa Pilipinas ang mga Espanyol.
Sa ngayon binubuo pa ang detalye ng mga bibisitahing lugar ng Polish ambassador subalit tiniyak ng lokal na gobyerno ng Camalig na magiging masaya at nakulay ang biyahe nito.
Plano ng lokal na gobyerno na maibida ang mga sikat na atraksyon ng bayan at maipatikim sa opisyal ang masasarap na pagkain sa kanilang lugar lalo na ang pinangat.