Patay ang isang 79-anyos na senior citizen matapos umanong bugbugin ng sarili nitong anak sa Barangay Tabucbuc, Marcos, Ilocos Norte.

Kinilala ang biktima na si Pedro Tolentino Mateo habang ang suspek naman ay ang anak nitong si Joel Pasion Mateo.

Ayon kay Marcos Municipal Police Station Chief Police Capt. Roi Manuel Ordonio na lumabas sa inisyal na pagsisiyasat na nagtamo ang biktima ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito dahil sa pambubugbog ng anak na nagresulta naman sa kaniyang kamatayan.

Naitakbo pa sa Doña Josefa Edralin Marcos District Hospital ang biktima subalit idineklara ring dead on arrival.

Sa kasalukuyan ay hawak na ng mga otoridad ang suspek para sa kasong kakaharapin nito.