LEGAZPI CITY-Dismayado ang Alliance of Concerned Teachers sa naging pahayag ni dating University of the Philippines (UP) Professor Clarita Carlos sa mga guro.

Ayon kay Alliance of Concerned Teachers National Chairperson Ruby Ana Bernardo, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na hindi ito nagbibigay ng motibasyon sa mga guro.

Dagdag pa niya na mapanakit ang mga salita ng Propesor habang sila ay overworked at underpayed, na kung tutuusin ay nakapagtapos ng ilang taon at nakapasa sa licensure examination.

Naniniwala rin ang grupo na hindi ito isang kahinaan para sa mga grupo kundi mayroong problema sa sistema sa gitna ng krisis sa edukasyon.

Binigyang diin din niya na resulta ito ng kakulangan sa suporta at budget sa edukasyon.

Hinamon rin ng grupo si Professor Carlos na pumunta sa mga pampublikong paaralan para makita ang siksikan na mga classrooms at ang kakulangan sa suporta ng gobyerno.

Dagdag pa niya na isa itong kawalan ng dangal at respeto bilang dating guro at opisyal ng gobyerno.