LEGAZPI CITY – Nanawagan ang alkalde ng Agoncillo, Batangas na iwasan ang pananamanyala sa kapwa sa gitna ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ito an kaugnay ng pangamba ng mga residente na iwanan ang bahay at pasukin ng mga masasamang loob.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mayor Daniel Reyes, aminado itong mayroon pang mga residente sa nasasakupang lugar na nakikipagmatigasan dahil sa pag-aalala sa maiiwan na pag-aari.
Iginiit ng opisyal na mas mahalagang maisalba ang buhay kumpara sa anumang materyal na bagay na mapapalitan naman.
Siniguro naman ni Reyes na gagawan ng paraan ang pamamahagi ng mga pagkain at malinis na tubig sa mga apektado.
Nananatili naman ang mga evacuees sa ilang bayan sa Batangas gaya ng Nasugbu, Calaca, Calatagan, Batangas City at Tanauan.