Nai-turn over na ng Indonesian authorities si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo sa mga otoridad ng Pilipinas.

Personal na tinanggap nina Interior Secretary Benhur Abalos at Philippine National Police chief Police General Rommel Marbil si Guo sa Jakarta.

Nagpasalamat naman si Abalos sa pamahalaan ng Indonesia sa kooperasyon nito upang maging matagumpay ang lahat ng proseso.

Sa kasalukuyan ay kinukumpleto na lamang umano ang ilang mga dokumento para sa pormal na pagbiyahe ni Guo pauwi sa Pilipinas.