Wagi si Imane Khelif ng Algeria sa Olympic boxing bout nito laban sa Italian boxer na si Angela Carini matapos umatras sa loob lamang ng 46 na segundo.
Matatandaan na si Khelif ay na-diskwalipika noong 2023 world championships matapos hindi makapasa sa unspecified gender eligibility test.
Dahil dito ay kinu-kwestyon nag presensya ng Algerian boxer sa Paris Olympics.
Matapos lamang ang 46 segundo na palitan ng suntok ay nagpasya si Carini na itigil na ang laban kung saan napahagulgol ito sa tindi ng emosyun.
Tumanggi rin ang Italian bet na makipag-shake hands kay Khelif, matapos itong inanunsyo bilang panalo sa kompetisyon.
Samantala, sa isang pahayag ay sinabi n Carini na nakaramdam siya ng matinding sakit sa ilong matapos lamang ang ilang suntok mula sa kalaban kaya nagpasya na tumigil na.
Dumepensa rin ang International Olympics Committee na nakapasa si Khelif sa lahat ng eligibility rules.