LEGAZPI CITY – Nananatili pa ring mababa ang mga naitatalang datos ng bulkang Mayon ngunit hindi pa rin inaalis ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang posibilidad ng hazardous eruption.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Dr Paul Alanis, PHIVOLCS Resident Volganologist, base datos ng bulkan nananatiling nasa 1.6km ang naaabot ng inululuwang lava ng bulkan, nananatili naman sa 3 km ang naaabot ng mga bato o ‘debris’ habang ang minu-monitor na Sulfur Dioxide ay nananatili ring mababa.

Kung pagbabasehan aniya ang tahimik na aktibidad ng bulkan at mapayapang lava flow posibleng umabot o tuamagal sa dalawa hanggang tatlong buwan ang pinapakitang abnormalidad ng bulkang Mayon.

Ngunit paglilinaw ni Alanis na dalawa ang tinitingnan ng ahensya upang itaas ang alerto ng bulkan, kung saan maliban sa malakas na pagputok o explosive eruption, ay sakaling magpatuloy ang lava flow at makarating na sa layong 6km ay kakaiilanganin nang itaas sa Alert Level 4 ang bulkang Mayon.

Samantala, ayon sa opisyal dahil walang naitatalang mga pagputok sa bulkan, sa kasalukuyan wala ring namamataang ano mang ashfall.