LEGAZPI CITY – Nanawagan ang Albay Electric Cooperative sa mga Albayano na makipagtulongan upang malabanan ang mga naglalagay ng iligal na koneksyon ng kuryente na siyang dahilan ng pagtaas ng system loss.
Ayon kay Dir. Wilfredo Bogsit an Acting General Manager ng Albay Electric Cooperative, isa ang iligal na koneksyon sa mga dahilan ng pagtaas ng bayarin ng mga consumer.
Ipinapasa kasi ang nawawalang suplay o system loss papunta sa mga nagbabayad na customer.
Kung susumahin ay nasa 24.5% pa ang system loss ng power distrutor na katumbas ang 72 million kilo watt hour ng kuryente.
Panawagan ng opisyal sa publiko na agad na ireport sa kanilang opisina sakaling makakita ng iligal na koneksyon upang agad na mabigyang aksyon.
Binigyang diin din nito na kung mawawala na ang system loss ay malaki ang mababawas sa electric bills ng mga Albayano.