Philip Anthony Crisponde of Albay bags second gold medal for Bicol
Philip Anthony Crisponde of Albay bags second gold medal for Bicol

LEGAZPI CITY- Tulad ng inaasahan ay hindi nagpahuli ang mga arnisador ng lalawigan ng Albay sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2025 sa Ilocos Norte.

Naibulsa kasi ng Albayano athlete na si Philip Anthony Crisponde ang ikalawang gintong medalya para sa Bicol vulcans.

Ang 16-anyos na atleta mula sa Marcial O. Rañola Memorial School ang nakasungkit ng gold medal sa Arnis Individual Single Weapon na ginanap ngayong araw.

Ipinamalas ni Crisponde ang kakaibang galing at determinasyon sa naturang sports.