LEGAZPI CITY- Iginiit ng mga otoridad ang kahalagahan ng whole of a nation approach upang tuluyan ng mapuksa ang iligal na droga.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Albay agent Noe Briguel sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kinakailangang matutukan ang supply reduction, supply demand reduction at harm reduction.
Pinuri naman ng ahensya ang patuloy na tulong ng Department of Interior and Local Government, Philippine National Police, Department of Health at iba pang stake holders.
Aminado ang opisyal na malaki na ang pagkakaiba ngayon kumpara sa nakalipas na mga taon dahil mismong ang mga barangay officials at mga residente na ang nagpapaabot ng impormasyon sa mga otoridad hinggil sa mga drug personalities kaya madaling nahuhuli ang mga drug personalities.
Sa kasalukuyan ay target ng ahensya na maideklara na bilang drug cleared province ang Albay.
Paliwanag ni Briguel na nasa 36 na mga barangay na lamang sa lalawigan ang apektado ng iligal na droga at malaking tulong ang pagkakaroon ng rehabilitation centers ng lahat na lokal na pamahalaan.
Maliban pa dito ay may mga rehabilitation center na tumutulong sa mga persons who used drugs na nais magbagong buhay.