influenza like illness

LEGAZPI CITY- Hinigpitan pa ng Albay Schools Division ang pagpapatupad ng mga hakbang upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mag-aaral at mga guro.

Ito matapos na maraming mga mag-aaral na ang tinamaan ng influenza-like symptoms.

Ayon kay Albay Schools Division spokesperson Froilan Tena sa ikatlong distrito ng lalawigan ay may natanggap na silang mga reports ngayong Oktubre na nasa humigit kumulang 300 na ang nakitaan ng influenza symptoms tulad ng lagnat, ubo at sipon.

Sa kabila nito ay pinawi ng opisyal ang pangamba ng publiko dahil nananatiling manageable umano ang sitwasyon.

Katunayan, ang kada distrito umano ay mayroon nang naka-assign na mga doktor upang mangasiwa sa kalusugan ng mga mag-aaral at mga guro.

Dagdag pa ni Tena na ang mga nagpapakita ng sintomas ng sakit ay pinagpapaliban muna sa face-to-face classes at nagsasagawa na lamang ng alternative mode of learning upang makapagpatuloy pa rin sa pag-aaral.

Samantala, nagpahayag naman ito ng kahandaan para sa worst case scenario.