LEGAZPI CITY – Pinag-aaralan na ng Albay Provincial Govenment ang pagtatayo ng wind energy at solar farm sa lalawigan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Provincial Planning and Development Office Head Arnold Onrubia, mayroon ng binuo na ‘renewable energy road map’ para sa nasabing plano.
Sa katunayan ay nakatakdang magkaroon ng Provincial Renewable Enery Summit sa Albay sa darating na Agosto 2024.
Imbitado rito ang mga possible donors na pwedeng mag-invest sa lalawigan ng renewable energy.
Ayon kay Onrubia, batay sa pag-aaral malaki ang kapasidad ng mga bayan ng Pio Duran at Camalig para sa wind energy at solar farm.
Katulong dito ng lalawigan ang Philippine Movement for Climate Justice kung saan ay nagkaroon na ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng dalawang hanay.
Kaugnay nito, bumuo na rin ng technical working group para sa ‘renewable energy road map’ ng lalawigan.
Ibinida ni Onrubia na oras na maging matagumpay ang naturang nilulutong proyekto ay posibleng ito na ang maging solusyon sa problema sa kuryente sa Albay.