LEGAZPI CITY – Target ng Albay Provincial Agricultures Office na maglagay ng Kadiwa ng Pangulo sa bawat bayan sa lalawigan sa para murang mga produkto na mabibili ng mga residente.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay Provincial Agricultures Office Assistant Daryl Buenconsejo, sa ngayon ay maroong regular na Kadiwa ng Pangulo sa Albay Farmers Bounty Village sa Camalig.

Bukas ito tuwing petsa 15 at 30 ng buwan kung saan nasa 25 na mga mangingisda, magsasaka at mga bagong bukas na negosyo.

Aniya, malaki ang naitutulong ng programa upang maipakilala ang mga produkto ng mga Albayano.

Batay naman sa datos ng Provincial Agricultures Office, aabot sa P100,000 ang halaga ng mga produktong naibebenta tuwing nagbubukas ang Kadiwa.