LEGAZPI CITY- Siniguro ng Albay Police Provincial Office ang buong suporta nito sa Dugong Bombo, A Little Pain, A Life to Gain na isasagawa sa Nobyembre 15 sa kasalukuyang taon.
Ayon kay Albay PPO Director PCol. Noel Nuñez na malaki ang naitutulong ng blood letting activity na pinapangunahan ng Bombo Radyo Philippines para sa mga nangangailangan ng dugo.
Aniya, maging ang ilan sa mga kasamahan nilang tagapagpatupad ng batas ay natutulungan ng Bombo Radyo Philippines sa panahon na nangangailangan na masalinan ng dugo.
Bukas umano ang kanilang mga personnel sa boluntaryong pagsasagip ng buhay sa pamamagitan ng Dugong Bombo.
Una nito ay pormal nang napirmahan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Albay Police Provincial Office at Bombo Radyo Legazpi para sa mutual commitment ng dalawang panig na matulungan ang bawat isa hindi lamang sa paghahatid ng mahahalagang impormasyon kundi maging sa pagsagip ng buhay sa pamamagitan ng blood donation.
Maging ang iba pang stakeholders at mga organisasyon ay hinikayat rin ni Nuñez na makibahagi sa Dugong Bombo 2025 na isasagawa sa araw ng Sabado.











