LEGAZPI CITY- Pumalo pa sa 32 ang naitalang sugatan sa nangyaring pagsabog sa isang gusali sa Barangay Pinaric, Legazpi City.
Ayon kay Albay Police Provincial Office Director Police Colonel Julius Añonuevo sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na isa sa mga biktima ay patuloy na inoobserbahan dahil sa seryosong injuries na tinamo nito.
Nilinaw naman ng opisyal na aksidente lamang ang nangyari at tinitingnan na mula sa tangke ng Liquefied petroleum gas ang pagsabog.
Dahil dito ay ruled out na umano ang anggulo na acts of terrorism o pananabotahe.
Kaugnay nito ay nanawagan si Añonuevo sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon na posibleng magdulot ng pangamba sa publiko.
Samantala, ang mga biktima na nasugatan sa insidente ay patuloy pang nagpapagaling hanggang sa ngayon matapos itakbo sa iba’t ibang mga pagamutan sa lungsod.