LEGAZPI CITY—Nakapag-deploy na ng humigit-kumulang 1,500 tauhan ang kapulisan ng lalawigan ng Albay bilang paggunita ng Undas ngayong taon.

Ayon kay Albay Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Noel Nuñez, sa panayam sa Bombo Radyo Legazpi, katuwang nila sa nasabing hakbang ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard at iba pa, kung saan sila ay naka-deploy na sa mga sementeryo, motorists asisstance desks, mga terminal ng pampublikong transportasyon, istasyon ng tren, mga pantalan at maging sa mga tourist areas.

Sinabi ng opisyal na generally peaceful at walang naitalang anumang related incident ang lalawigan sa kasagsagan na kanilang naging paghahanda.

Dagdag ni Nuñez na magiging full force ang kanilang mga tauhan lalo na mula ngayong Biyernes hanggang Linggo, Nobyembre 2.

Samantala, pinayuhan din ng opisyal ang mga biyahero na suriin ang maintenance ng kanilang mga sasakyan o ang tinatawag na BLOWBAGETS (battery, lights, oil, water, brake, air, gas, engine, tire, and self).

Gayundin na tiyakin na nakasarado nang mabuti ang mga bahay kung aalis at magsunod sa mga patakaran ng mga sementeryo upang maiwasan ang mga hindi kanais-nais na insidente sa naturanag lugar.