© / PHIVOLCS

LEGAZPI CITY – Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lalawigan ng Albay alas-9:17 ngayong umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), namataan ang sentro ng pagyanig 10 kilometro sa Timog-Kanluran ng bayan ng Rapu-rapu.

May lalim itong dalawang kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang inaasahang mga aftershocks at pinsala kasunod ng naturang pagyanig.