LEGAZPI CITY – Nakatutok na ang Albay Public Safety and Emergency Management Office sa paghahanda para sa isasagawang kauna-unahang maritime procession kaugnay ng Magayon Festival.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Eugene Escobar an Officer in Charge ng Albay Public Safety and Emergency Management Office, isasagawa ang maritime procession ngayong Mayo 1 na sisimulan sa Barangay Joroan ng Tiwi.
Ipaparada ang Our Lady of Salvation sa karagatan at dadaan sa ilang mga barangay papunta sa lungsod ng Legazpi.
Bilang kahagi ng seguridad nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa Philippine Natinal Police, Philippine Coast Guard, Philippine Navy at Philippie Red Cross.
Maglalagay na rin ng mga tauhan sa mga baybayin ng mga dadaanang barangay at nakikipagtulungan na sa mga lokal na gobyerno.
Umaasa ang opisyal na magiging maganda ang kondisyon ng panahon sa araw ng prosesyon at magiging matagumpay ang pagsasagawa ng aktibidad.