LEGAZPI CITY- Masayang ibinahagi ng Albay Provincial Government ang plano na magkakaroon ng renewable energy sa lalawigan.
Ayon kay Provincial Planning and Development Office Head Arnold Onrubia sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na target na matapos ang drafting ng renewable energy roadmap sa Hunyo sa kasalukuyang taon.
Inaasahan kasi na malaking tulong ito sa mga mamamayan lalo na at patuloy ang pagtaas ng presyo ng kuryente at madalas na power interruption sa lalawigan.
Gumagawa aniya ang lalawigan ng mga hakbang upang masolusyunan ang mga suliranin na kinakaharap lalo pa at isa ang suplay ng kurtyente sa mga basic services na kinakailangang mapabuti.
Nabatid na sa buong bansa ay isa ang Albay sa may mataas na potensyal para sa renewable energy.
Sinabi ni Onrubia na batay sa pag-aaral ay malaki ang potensyal ng Albay sa wind energy na nasa 36% ang capacity factor.
Katunayan, ang wind energy potential umano ng lalawigan ay kayang mag-energize ng ‘decades of demand’ para sa enerhiya kaya sinisikap ang pagpapatuloy ng mga feasibility studies para sa implementasyon ng programa.