LEGAZPI CITY- Pinadalhan ng sulat ni Albay Governor Edcel Grex Lagman ang alkalde ng dalawang bayan sa probinsya matapos na mabalitaan na mayroong mga pinalikas na residente kahit pa nasa labas na ito ng 6-km radius permanent danger zone.

Nakita ring mataas ang percentage ng mga evacuees sa dalawang bayan, ang Sto. Domingo at Guinobatan.

Base sa isinagawang meeting ngayong araw, Hunyo 19, iniulat na sa kabuuang bilang nga mga evacuees 29% nito o 1,088 individuals ang nagmumula sa Sto. Domingo, at 44% naman ang kontribusyon ng Guinobatan kung saan ayon kay Lagman ay hindi “justfied”.

Pagbibigay-diin pa ng gobernador na dapat umano na “science-based” ang tingnan sa pagpapalikas dahil kung hindi, talagang mahihirapan ang provincial at national government.

Sa ngayon, hihintayin muna ang magiging paliwanag ng dalawang local chief executives na sila Mayor Jun Aguas at Mayor Paul Chino Garcia ukol sa sitwasyon.

Screenshot from Albay Provincial Information Office