LEGAZPI CITY- Pormal ng naiproklama ngayong hapon, Mayo 13, 2025 si Albay Governor Elect Noel Rosal.
Bago ito ay panandalian pang nagkaroon ng argumento ang kampo ni Rosal at ng gubernatorial candidate na si Congressman Joey Salceda.
Ito matapos maghain ng mosyon ang legal team ni Salceda na suspendihin ang proklamasyon ni Rosal dahil sa umano’y kinakaharap nitong kaso at pending na disqualification case.
Matatandaan na una na kasing napatalsik sa pwesto si Rosal matapos ipag-utos ng Ombudsman dahil sa kinakaharap na legal battle.
Aniya, imbes na si Rosal ay dapat na iproklama ang kandidato na nakatanggap ng ikalawang may pinakamaraming boto.
Matapos marinig ang dalawang panig ay nagpasya ang Commission on Elections Albay na i-proklama pa rin si Rosal bilang nagwagi na gobernador ng lalawigan.