Albay Governor Noel Rosal

LEGAZPI CITY- Pinangalanan ni dating punong barangay Alwin Nimo sina Albay Governor Noel Rosal at Second District Congressman Caloy Loria na umano’y tumanggap ng payola mula sa jueteng sa probinsya.

Sinabi ni Nimo na nagpasya siyang lumantad matapos na makatanggap ng mga banta sa kanyang buhay.

Nakatakda umanong maghain ng kaso sa Ombudsman ang dating Kapitan, kasabay ng mga ebidensyang umano’y magpapatunay sa kanyang mga alegasyon laban sa dalawang opisyal.

Nilinaw naman ni Nimo na wala siyang katulong na politikong Albayano sa pagsasampa ng kaso.

Samantala, sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Legazpi kay Albay Governor Rosal ay tumanggi muna itong magbigay ng opisyal na pahayag habang sinusubukan naman na hingan ng pahayag si Cong. Loria.