LEGAZPI CITY – Tiniyak ni Albay Governor Grex Lagman ang pagkakaroon ng ‘Local Housing Summit’ upang pag-usapan ang pangmatagalang solusyon sa mga paulit-ulit na problema tuwing may pag-alburoto ang Bulkang Mayon.

Lalong-lalo na ang mga palagiang inililikas na mga permanenteng nakatira sa 6km radius permanent danger zone.

Ayon kay Lagman, napapanahon na para seryosong pag-usapan kaugnay ng ‘perennial problem’ na kinakaharapng Albay tuwing may pag-alburoto ang Bulkang Mayon na kung saan mabigat na pasanin sa gobyerno ang paglikas sa mga apektadong residente.

Sinabi pa ng gobernador, na siya ring pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, magtatakda ang lalawigan ng Local Housing Summit imbitado ang mga opisina ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD), Department of Agrarian Reform (DAR), National Housing Authority (NHA), Department of Labor and Employment (DOLE) para sa kabuhayan ng mga apektadong pamilya at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Kaugnay nito, malaking tulong din ang kailangan ng pamahalaan hindi lang ang pagkakaisa ng mga local at national government kundi maging ng mga apektadong pamilya na mahikayat na lumikas kanilang mga tirahan na nasa delikadong lugar.

Samantala, isinasaalang-alang din ng gobyerrno ang magiging kabuhayan ng naturang mga pamilya kung sakaling mailikas na ang mga ito.

Ayon kay Lagman, kailangan na may sapat na plano at livelihood programs sa mga ito upang hindi na maulit pa ang mga kaso ng pagbalik ng mga relocated households sa kanilang mga origin barangays na nasa mga deklaradong danger area.

Bahagi ng pahayag ni Albay Governor Grex Lagman