LEGAZPI CITY- Nakatakdang bumuo ang provincial government ng Albay ng isang independent research team upang malaman ang impact ng talamak na quarrying sa lalawigan sa mga nakalipas na sama ng panahon.

Ito matapos ang ginawang panawagan ng Diocese of Legazpi sa mga kinauukulan na gumawa ng aksyon kasunod ng epekto ng magkakasunod na bagyo na tumama sa Albay.

Matatandaan kasi na noong nakalipas na bagyong Kristine ay nakaranas ng malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng lalawigan.

Ayon kay Albay acting Governor Glenda Bongao sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nakapagsumite na sila ng sulat para sa pagsasagawa ng pag-aaral kung saan kabilang ang Department of Environment and Natural Resources at iba pang mga grupo.

Kung babalikan, matagal ng inirereklamo ng ilang mga residente lalo na sa Mayon unit area ang umanoy negatibong epekto ng quarrying sa mga pagbaha at pagguho ng lupa tuwing may kalamidad.

Sinabi naman ni Bongao na nakatakdang mag-convene ang provincial mining regulatory board upang i-review ang mga aplikasyon ng mga pumapasok sa quarrying operations sa lalawigan upang ma-minimize ang epekto ng aktibidad sa kapaligiran.