LEGAZPI CITY – Nagbitiw na sa kanyang posisyon bilang mambabatas at miyembro ng House of Representatives si Ako Bicol Rep. Zaldy Co ngayong Lunes, Setyembre 29.
” Mabigat man sa aking puso, ako’y nagpaabot ng aking pagbibitiw bilang Kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.”
“Sa loob ng aking panunungkulan, aking sinikap na maging kasurog ng bawat Pilipino, lalo na ng ating mga kababayan sa Bicol.”
” Ang desisyong ito ay hindi naging madali, ngunit ito ay aking tinimbang nang mabuti para sa ikabubuti ng aking pamilya at ng mga taong patuloy kong pinaglilingkuran.”
“Maraming salamat sa pagsuporta.” ayon sa kaniyang Facebook page.