LEGAZPI CITY- Hindi inatrasan ni Ako Bicol Partylist Representative, Atty Jil Bongalon ang malaking responsibilidad na kasabay ng pagiging bagong Vice Chairperson ng House Committee on Ethics and Privileges.

Ito’y matapos na magretiro sa posisyon si Cong. Jeffrey Soriano, ACT-CIS Partylist at sya ang napiling ipali
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Congressman Jil Bongalon, aminado syang baguhan, ‘neophyte’ at first-termer pa lamang bilang kongresista.

Ngunit hindi nya pa rin inatrasan ang ibinigay na posisyon at ang kaakibat nitong obligasyon sa bayan.

Samantala bilang panibagong mataas na opisyal ng House Committee on Ethics and Privileges, sinabi Bongalon na nakahanda na ang ginawa nilang rekomendasyon patungkol sa usapin ng hindi pagsipot ni 3rd District Negros Oriental Representative “Arnie Teves Jr.

Dagdag pa ng opisyal na tumanggi munang isapubliko kung ano ang nabuong rekomendasyon ng komite ngunit mamayang hapon umano ay posible nang lumabas ang desisyon ng plenaryo sa kaso ni Teves.

Kaugnay nito nagbigay na lamang ng ideya ang Vice Chairperson ng komite nang mga posibleng kahitnan o resulta ng pagpupulong sa kongreso, ito ay ang suspensyon, pagka-expel at iba pang mga disciplinary actions.

Kung matatandaan binigyan limang araw na extension at nang panibagong 24-oras na ultimatum si Cong Teves hanggang sa napaso rin ito kahapon, ngunit hindi lumitaw o dumating sa kongreso ang opisyal.