Nanawagan si Armed Forces of the Philippines chief General Romeo Brawner Jr. sa China na ibalik ang mga high-powered firearms na inagaw mula sa Philippine Navy sa insidenteng nangyari sa Ayungin Shoal nitong Hunyo 17.
Ayon kay Brawner, sakay ng inflatable boats ang mga sundalong Pilipino na magdadala sana ng mga armas at suplay sa BRP Sierra Madre ng harangan ito ng barko ng China.
Iligal umanong pinasok umano ng mga Chinese ang barko ng Pilipinas saka kinuha ang mga high powered firearms at iba pang suplay.
Nilinaw naman ni Brawner na sinubukan pa rin ng Philippine Navy na pigilan ang mga Chinese subalit mas marami ang mga ito kung kaya walang magawa ang Philippine Navy.
Panawagan rin nito sa China na bayaran ang mga pinsala sa kagamitan ng Pilipinas.
Kinondena ni Brawner ang insidente na umano’y gawain ng isang pirata na lumalabag sa batas.