LEGAZPI CITY – Ikinaalarma ng isanga advocay group ang pagtaas ng bilang ng mga kabataan na nahuhumaling sa paggamit ng vape sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Philippine Smoke Free Movement Project Officer John Christian Payumo, nabawasan na sana ang porsyento ng mga naninigarilyo na mula sa 28% ay naging 19.5% na lang, subalit patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga gumagamit ng vape.

Ito ay dahil aniya sa mga kumakalat na mga maling impormasyon na hindi malala ang negatibong epekto sa kalusugan ng vape kumpara sa sigarillyo na ayon sa mga eksperto ay wala namang katotohanan.

Isa na ritong halimbawa ang naitalang kauna-unahang vape-related death sa Pilipinas, na isang 22-anyos na lalaking inatake sa puso na nasira ang baga dahil sa vape.

Dahil dito nanawagan si Payumo, na paigtingin ang batas sa pag-regulate ng vape, paggamit nito, pag-manufacture at ang pag-import.

Kasama na rito ang pagkakaroon ng malakas na implementasyon ng polisiya at enforcement laban sa paggamit ng vape.

Ayon kay Payumo, hindi ang kasi sarili ng mga gumagamit nito ang naapektuhan kundi pati na rin ang mga nakapalibot dito.