Pinalagan ng aktres na si Liza Soberano ang viral post sa Facebook kaugnay sa balak niyang pagsali sa Miss Universe Philippines 2021.
Kasunod ito ng pagkabigo ni Rabiya Mateo na maiuwi ang ikalimang korona ng Miss Universe para sa Pilipinas.
Nasungkit ng pambato ng Mexico na si Andrea Meza ang korona ng 69th Miss Universe 2020.
Matapos ang grand coronation, kumalat sa Facebook ang diumano’y pahayag ni Liza tungkol sa pagkatalo ni Rabiya.
Mababasa sa isang fb post, “Pag si Rabiya talaga ‘di maiuwi ang crown, ako talaga sasali next year!”
Subalit mariing pinabulaan ito ng aktres at sinabing wala siyang facebook acount.
Kasabay nito inamin ni Liza na wala siyang balak na sumali sa mga beauty pageant dahil takot itong humarap sa maraming tao.