LEGAZPI CITY—Pinuna ng grupo ng mga guro ang pagtapyas ng Senado ng mahigit P55 bilyon ng Miscellaneous Personnel Benefits Fund sa panukalang 2026 national budget.


Ayon kay Alliance of Concerned Teachers Chairperson Ruby Ana Bernardo, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, malaki na ang maitutulong nito para sa mga guro kung saan maaari silang makakuha ng budget para sa iba’t ibang benepisyo.


Kinakailangan aniya ito ng kanilang sektor lalo na ngayong nangangangailangan ng motibasyon ang mga guro dahil sa isyu ng learning crisis sa Pilipinas.


Dagdag pa nito na umaasa pa rin ang kanilang grupo na maibalik ang nasabing pondo at maisama sila sa mga mabenipisyuhan nito.


Binigyang-diin din ni Bernardo na kung gusto talaga ng gobyerno na matugunan ang isyu sa kurapsyon ay dapat na magsasalamin ito sa 2026 national budget.


Samantala, panawagan naman ng grupo sa administrasyong Marcos na tiyaking mapunta ang mga benepisyong ito sa mga kawani ng gobyerno at contractual workers, gayundin ang panawagan na huwag nang pagkaltasan ng mga benepisyo ng mga guro sa bansa.