Maagang nagkaroon ng tensyon sa pagitan nina Defense counsel Sheila Sison at House Prosecutor Benjamin Tolosa Jr. sa pagsisimula ng ika-21 araw ng impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Matapos kasi ang terminong ginamit ni Tolosa kay Atty. Michael Poa na ‘Abogadong walang alam’ ay agad itong inalmahan ni Atty. Sison dahil sa umano’y tila kawalan ng respeto.

Nagpaliwanag naman si Tolosa na sinambit lamang ang kataga na nangangahulugan ng makailang ulit na pahayag ni Poa na wala itong alam sa audit memo ng Commission on Audit.

Sa huli ay pinagbigyan ni Presiding Officer Chiz Escudero ang hiling ng depensa at ipinatanggal sa record ng korte ang katagang ‘Abogadong walang alam.’