Nag-abiso na ang Legazpi City Water District (LCWD) patungkol nakaambang na water interruption sa susunod na linggo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ave Buban, Assistant General Manager ng LCWD, magkakaroon umano ng total Shutdown ang PhilHydro na supplier nila ng tubig ngayong paparating na Enero 11, alas-10 ng gabi hanggang Enero 12, alas-4 ng madaling araw.
Kung saan maapektuhan ang supply ng tubig sa brgy. 1- 41, at brgy. 57-59.
An nasabing shutdown ay parte umano ng maintenance at replacement ng ilang mga pasilidad at gamit ng PhilHydro.
Paliwanag pa ni Buban, kailangang palitan ang “blow off valve” ng kanilang supplier na dinadaanan upang makontrol ang pagpasok ng mga malabong tubig mula sa Pawa o Yawa River tuwing nagkakaroon ng pag-ulan.
Samantala, maliban rito ay asahan na rin umano na hindi lang ngayong buwan magkakaroon ng ilang water interruption kundi magung sa Pebrero, dahil sa gagawing major interconnection ng pinakamalaking linya ng kanilang clarifier.
Kaugnay nito ay humihingi ng pag-intindi at mahabang pasensya ang LWCD sa mga konsumer, lalo pa’t ang mga isinasagawang hakbang ay para lamang sa ikagaganda ng serbisyo at dekalidad na supply ng tubig.