LEGAZPI CITY – Umapela na makauwi na ng island province ng Masbate ang aabot sa 80 estudyante na kabilang sa locally-stranded indviduals ng Albay dulot ng mga restrictions na ipatupad dahil sa coronavirus pandemic.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mark Abelita, estudyante mula sa Bicol University, sinabi nito na nasa 79 mga estudyante silang nasa Albay mula pa ng sumailalim ang lalawigan sa Enhanced Community Quarantine.
Subalit hanggang sa ngayon na nasa GCQ na ang Bicol, malabo pa rin ang pag-asang makauwi na sa kanilang home province.
Aniya hindi umano malinaw kung ano ang polisiya ngayon ng Masbate sa pagpapauwi ng mga estudyante.
Una na ring nagpadala ng sulat sa provincial government ang mga ito kung maaari nang makauwi subalit tinanggihan umano dahil prayoridad ang mga repatriated Overseas Filipino Workers.
Hindi aniya kasi sapat ang quarantine facility sa pag-accomodate ng mga ito.