LEGAZPI CITY- Bagsak na sa kulungan ang isang dating drug surenderee matapos na makunan ng nasa P347,000 na halaga ng iligal na drogra sa isinagawang search operation ng mga awtoridad sa Barangay Sto. Niño, Virac, Catanduanes.
Kinilala ang suspek na si Alexander Aguilar alyas “Alek-Alek”, 36 anyos na residente ng naturang barangay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PMaj. Antonio Perez, ang hepe ng Virac MPS, dati ng sumuko sa mga otoridad ang suspek at sumailalim sa rehabilitation subalit muling bumalik sa iligal na gawain.
Halos isang buwan na binatayan ng pulisya ang galaw ng suspek hanggang sa makakalap ng sapat na ebidensya at makakuha ng search warrant mula sa husgado
Sa isinagawang operasyon nakuha sa loob ng bahay ng suspek ang anim na malalaking sachet ng pinaniniwilaang shabu na may bigat na 55 grams.
Sa ngayon, nakakulong na si Aguilar na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o an Comprehensive Dansgerous Drugs Act of 2002.