LEGAZPI CITY – Nakapagtala ng 1,945 na kaso ng domestic violence ang Commission on Population (POPCOM) mula nang ipatupad ang community quarantine sa Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay POPCOM Bicol Regional Director Odette Nacionales, tumaas ang kaso ng karahasan laban sa mga kababaihan at kanilang mga anak ngayong madalas na magkakasama sa loob ng bahay dahil sa mga ipinatutupad na restrictions kontra COVID-19.

Ang naturang tala ay batay sa mga naiulat ng pulisya na kaso ng pananakit sa mga menor de edad at legal nang edad.

Ayon kay Nacionales, nakakalungkot na isipin na mistulang nababalewala ang mga hakbang ng POPCOM dahil sa health crisis.

Sa gayon, prayoridad umano ngayon ng tanggapan ang pagtutok sa domestic violence dahil sa tumataas na kaso nito.

Lubhang mahalaga rin umano na magkaroon ng counseling at rehabilitation ang mga nakakaranas ng karahasan upang maka-recover at makabalik sa normal na buhay.

POPCOM Bicol Regional Director Odette Nacionales