Shooting incident in Banga National High School

Napasugod ang ilang mga magulang at mga residente matapos ang nangyaring pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato nitong Setyembre 18, 2026.

Ayon sa inisyal na impormasyon na lima umano ang nasawi sa insidente, kabilang ang gunman.

Batay sa paunang impormasyon ay kabilang umano sa mga nasawi ang gunman na umano’y kinitil ang sariling buhay, subalit kinukumpirma pa ang impormasyon na ito.

Itinakbo rin sa pagamutan ang ilang mga mag-aaral na nasugatan sa naturang pamamaril.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo sa insidente.