LEGAZPI CITY-Idineklara na kan ika-15 Sangguniang Panlalawigan ng Albay (SPA) ang State of Calamity sa lalawigan dahil sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng dengue, na epektibo simula sa Setyembre 10, 2026 hanggang sa ito ay bawiin.
Ayon sa Albay Provincial Health Office–Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PHO-PESU), simula noong Setyembre 8, 2026, nakapagtala ang Albay ng kabuuang 1,785 na kaso ng dengue at nasa 14 na nasawi.
Matatandaang inirekomenda ni PDRRMC Chairperson at Governor Noel Rosal ang pormal na deklarasyon noong Setyembre 9, bunsod ng pangangailangang paigtingin ang pagtugon ng buong lalawigan sa dumaraming kaso ng dengue.
Binibigyang-daan ng deklarasyong ito ang Pamahalaang Panlalawigan na magpatupad ng mga hakbang upang patatagin ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan, pakilusin ang mga pagsisikap sa pagtugon sa emerhensiya sa buong komunidad, at gamitin ang Quick Response Fund (QRF) para sa pagbili ng mga testing kit, kemikal na pangkontrol sa mga vector (tulad ng lamok), mga suplay na medikal, at kagamitang kinakailangan upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.











