LEGAZPI CITY-Nabanggit ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na patuloy na ipagtatanggol ang 2016 Arbitral Award na pumabor sa Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea.
Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ngayong Lunes, sinabi ng Pangulo na hindi lamang administrasyon ang nagsusulong ng nasabing arbitral ruling at hindi rin ito tatalikuran ng pamahalaan sa kabila ng mga hamon at banta sa soberanya ng bansa.
Binigyang-diin ni Marcos na gagawin ng gobyerno ang lahat ng kinakailangang hakbang upang mapanatili at maipagtanggol ang tagumpay na ito laban sa anumang pagtatangkang pahinain ito, mula man sa loob o labas ng bansa.
Kasabay nito, iginiit ng Pangulo na marangal, mabait, at may dignidad ang mga Pilipino, at hindi dapat kuwestiyunin ang kanilang pagkatao at pagkakakilanlan.











