Hostage taking in Libon, Albay

LEGAZPI CITY- Nailigtas ng mga kapulisan sa Albay ang isang babae at mga anak nito matapos ikulong sa kanilang tahanan at pagbantaan ng padre de pamilya sa Barangay Along-ong, Libon, Albay.

Naganap ang insidente nito lamang na Hulyo 24, 2026.

Ayon sa impormasyon mula sa Police Regional Office 5, agad na rumespunde nag mga tauhan ng Libon Municipal Police Station matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa naturang hostage-taking.

Naabutan ng mga otoridad ang suspek na may hawak na kahoy ay basag na bote habang bitbit ng patiwarik ang isa nitong anak.

Mahinahon subalit mabilis ang naging aksyon ng mga kapulisan na agad naman nagsawa ng negosasyon sa naturang suspek.

Kasabay ng pagsiguro sa kaligtasan ng mga biktima ay nagpasya ang mga kapulisan kasama ang Albay 2nd Provincial Mobile Force Company at Special Action Force na pasukin ang tahanan ng mga ito, kung saan na-rescue ang naturang ginang at mga anak nito.

Samantala, lumabas sa impormasyon na bago pa man maganap ang naturang insidente ay nagsampa ng reklamo ang ginang laban sa asawa nito dahil sa umano’y pang-aabuso.