LEGAZPI CITY-Muling naitala ang magnitude 6.5 na lindol sa Balut Island, Sarangani, Davao Occidental nitong Martes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naganap ang pagyanig dakong alas-11:49 ng gabi at may lalim na 10 kilometro.
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Wala namang inaasahang pinsala mula sa pagyanig, ngunit nagbabala ang ahensya na posibleng magkaroon ng mga aftershock.
Pinayuhan ng PHIVOLCS ang publiko na manatiling alerto at patuloy na sumunod sa mga paalala ng mga awtoridad sakaling magkaroon ng karagdagang pagyanig.











