Tsunami warning in some parts of Mindanao

Nagpalabas ng tsunami warning ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology kasunod ng magnitude 7.0 na tumama sa General Santos City at ilang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa abiso ng tanggapan, ang tsunami wave ay posibleng maranasan sa pagitan ng alas-7:37 hanggang alas-9:37 ngayong umaga, Hunyo 8, 2026.

Maaring makaranas ng nasa isang metro na mas mataas na normal na alon ng karagatan.

Samantala, inabisuhan naman na pansamantalang lumikas ang mga residente sa coastal areas sa Sarangani, Davao Occidental, Tawi-tawi, Sulu, gayundin sa Basilan, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Sultan Kudarat, at South Cotabato.