LEGAZPI CITY-Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act (RA) No. 12316 na nagbibigay sa Pangulo ng emergency powers na suspendihin o bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo.
Ito’y bahagi ng mga hakbang ng pamahalaan upang mapagaan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa mga Pilipino.
Ang Republic Act (RA) No. 12316 ay nagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo na magpatupad ng emergency measures, kabilang ang pagsuspinde o pagbawas ng excise tax sa mga produktong petrolyo.
Ang naturang batas ay nilagdaan bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.
Layunin rin ng batas na ito na mabawasan ang epekto ng oil price hike sa mga mamamayan, lalo na sa sektor ng transportasyon at sa presyo ng mga pangunahing bilihin.











