LEGAZPI CITY-Idineklara na an State of calamity sa probinsya ng Sorsogon dahil sa matinding epekto sa mga mamamayan ng krisis sa produktong petrolyo dulot ng tensyon sa Middle East.
Ayon kay Sorsogon 1st District Board Member Ed Atutubo sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kailangan na ng suporta at ang deklarasyon nito ay magbibigay sa mga governor na mai-program ang 5% calamity fund sa mga nangangailangan.
Uunahin din ang mga nasa transport sector at kasunod nito ang iba pang mga apektadong sektor ng kasalukuyang krisis.
Ipinapatupad ito sa probinsya dahil nakikita na ang epekto ng oil crisis kung saan kakaunti na lamang ang mga bumibiyahe na sasakyan at tricycle drivers, pati na rin ang mga mangingisda.
Sinabi rin ng opisyal na malinaw na nakasaad sa disaster management law na kasama ang man made calamity kagaya ng economic displacement o ang nararanasang oil crisis sa ngayon para sa pag-deklara ng state of calamity.
Inasikaso na rin ng sanggunian ng probinsya kasama ang disaster risk reduction and management council para ma-dispatch ang nabanggit na resolusyon.
Pinagpaplanuhan na rin nila ang mga ibibigay na assistance sa mga apektadong sektor kasama ang iba pang mga ahensya kung saan unanimously ang pagkaka-deklara nito para agad makagawa ng mga paraan at programa.











