A transport group in the Bicol region believes that the additional fares on all public utility vehicles (PUVs) are painful for passengers amid the continuous rise in oil prices.

LEGAZPI CITY – Naniniwala ang isang grupo ng transportasyon sa rehiyon ng Bicol na pasakit para sa mga pasahero ang dagdag-pasahe sa lahat ng public utility vehicles (PUVs) sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Tanggol Pasada Network Bicol Spokesperson Renato Piolino sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, hindi dapat ipasa ng gobyerno sa mga commuter ang epekto ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Iminungkahi rin niya na maaari namang alisin ang excise tax at value added tax sa mga produktong petrolyo habang tumitindi ang tensyon sa Gitnang Silangan sa halip na isang fare hike.

Ikinalugod din niya ang hakbang ng gobyerno na bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspindihin ang excise tax sa gasolina.

Dagdag ng opisyal na kung ito ay agad na ipapatupad, hindi na nila kailangang manawagan ng dagdag-pasahe at ang pasanin na kanilang dinadala ay hindi maipapasa sa mga commuter.

Humingi rin ng paumanhin si Piolino sa mga commuter na naapektuhan ng fare hike dahil lahat ng Pilipino ay apektado ng digmaan sa Gitnang Silangan.