oil price adjustment
oil price adjustment

LEGAZPI CITY-Nasamsam ng mga operatiba ang ilegal na bentahan ng mga produktong petrolyo sa isinagawang operasyon sa Barangay Maipon, Guinobatan, sa bayan ng Albay.

Ayon kay Albay Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Noel Nuñez, sa isang panayam sa Bombo Radyo Legazpi, apat na indibidwal ang naaresto sa lugar at humigit-kumulang nasa 500 liters ang nakumpiskang langis.

Dagdag pa ng opisyal na ang nakumpiskang ilegal na langis ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang P2.3-milyon.

Narekober mula sa mga suspek ang mga ebidensya kabilang ang pera, safe envoy, at fuel dispenser na ginamit para sa ilegal na pagbebenta ng produktong petrolyo.

Sinabi rin ng opisyal na bago lamang ang bentahang ito simula noong magsiklab ang tensyon sa Middle East na sinamantala rin ng grupo.

Sa ngayon, inihahanda na ang kaso ng mga suspek sa Guinobatan Municipal Police Station.

Dahil rito, nagbigay na ang pulisya ng mga alituntunin sa mga negosyante at gasolinahan upang maiwasan ang pananamantala.

Patuloy din nilang binabantayan ang posibleng panic buying, fuel hoarding, at ang walang kompromisong presyo ng gasolina.