LEGAZP CITY-Itinalaga bilang bagong supreme leader ng Iran si Mojtaba Khamenei.

Siya ang anak ng napaslang na at dating Iranian Supreme Leader na si Ayatollah Ali Khamenei.

Si Mojtaba ay napili ng Assembly of Experts ng Iran na binubuo ng 88 mga miyembro ng elected senior cleric, na ang trabaho ay pumili ng supreme leader.

Matatandaang huling pumili ang nasabing assembly noong itinaguyod ang Islamic Republic noong 1979 kung saan napili ang namatay na si Ali Khamenei.

Samantala una ng sinabi ni US President Donald Trump na hindi rin magtatagal ang mapipiling bagong supreme leader ng Iran.

Patuloy naman ang nangyayaring tensyon sa Middle East dahil sa joint operation ng US at Israel kung saan napaslang an dating supreme leader ng Iran.