ALECO disconnection
ALECO power rates

LEGAZPI CITY- Nagpahayag ng suporta ang Albay Electric Cooperative sa panawagan ng National Electrification Administration (NEA) na magtipid sa enerhiya sa gitna ng krisis sa Middle East.

Ayon kay ALECO spokesperson Anj Galero sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na patuloy ang kanilang panawagan sa mga member-consumers na magtipid sa paggamit ng kuryente.

Ito lalo na ngayong summer season kung saan inaasahan ang pagtaas ng consuption ng kuryente dahil sa matinding init ng panahon.

Pinayuhan nito ang mga Albayano na tanggalin sa pagkakasaksak ang mga appliances kung hindi naman ginagamit.

Samantala, sa panig naman ng naturang power provider ay sisiguruhin umano nila na mayroong sapat na supply ng kuryente para sa pangangailangan ng publiko.

Kabilang umano sa kanilang ginagawa ay ang load setting upang masiguro na walang mga overloaded na feeders at pantay pantay ang naipapasok na supply ng kuryente.