LEGAZPI CITY- Pinuna ng isang mambabatas ang naging pahayag ni Senator Robinhood ‘Robin’ Padilla na ‘weak’ at iyakin umano ang mga kabataan sa ngayon.
Matatandaan na tila minaliit pa ng senador ang usapin ng depresyon.
Ayon kay Kabataan Partylist Rep. Atty. Renee Co sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na kung iisipin ay mas malakas ang mga kabataan sa kasalukuyan dahil sa pakikipaglaban ng mga ito sa kanilang karapatan.
Aniya, hindi rin maiiwasan na magkakaroon ng ilang isidente ng depresyon dahil sa patong-patong na krisis na kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan.
Ipinunto ng mambabatas ang umanoy educational at employment crisis, gayundin ang political at economic crisis.
Dagdag pa ni Representative Co na patuloy na nararamdaman ng mga kabataan na hindi sila prayoridad ng pamahalaan.
Sa kabila nito ay hindi umano nagpapaka lugmok ang mga kabataan at buong tapang na ipinaglalaban ang pagkakaroon ng mas magagaling na mga lider at mas maayos na sistema ng pamamahala.











