LEGAZPI CITY—Nagpapasalamat ang mga kaguroan ng Magapo Elementary School sa Tabaco City, Albay para sa pagsagawa ng Temporary Learning Space para sa mga estudyanteng apektado ng pag-alburoto ng bulkang Mayon.
Matatandaang una nang naiulat na an ilang abandunadong housing units sa relocation site sa San Vicente, Tabaco City, ang planong gawing learning centers para sa mga mag-aaral na apektado ng aktibidad ng bulkan.
Ayon kay Magapo Elementary School School Principal Dr. Maria Cecilia Borjal, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, na kung dati ay kala-kalahati ang schedule ng mga ito sa dating kinaroroonan sa San Vicente Elementary School ng nasabing lungsod ay kasalukuyan nang regular na ang pagklase ng mga mag-aaral simula Kindergarten hanggang Grade 6 sa temporary learning space.
Aniya na malapit din ang nasabing learning space sa relocation area ng mga apektadong residente ng Barangay Magapo.
Sa kasalukuyang ay nasa 151 mag-aaral at 17 staff na ang nakikinabang sa nasabing learning center.
Samantala, nananawagan naman ang opisyal na kinakailangang nila ang mga kagamitan kagaya ng school supplies na maaaring magamit ng mga estuyante sa kanilang pag-aaral sa kasagsagan ng nagpapatuloy na aktibidad ng naturang bulkan.











